Don’t Compare Your Life To Others
There’s no comparison between the sun and the moon. They shine when it’s their time.
(via kushandwizdom)
(Source: weheartit.com, via ewalangmaypake)
Nakaka miss yung mga nakakausap ko dati dito sa Tumblr.

TSAMU is coming. It will be held on Sharon Luneta (nag-joke ako doon oo kalimutan natin ‘yon) on May 14 at 11:00 a.m. (Kunwari hindi niyo pa alam) Madaming bagong bloggers ngayon at para sa mga kili-kiling sasabak pa lang sa meet up, the following are some tips para hindi maging awkward ang iyong first meet up, hindi ka ma-op, at ways para mang-approach ng tao, manglandi ng crush mo, etc:
- ‘Wag mahiyang mag-start ng conversation, for example nakita mo ang crush mo or idol mong blogger, tanungin mo “Uy pupunta ka TSAMU 2017?” oo excited ka hahahaha pag sumagot, doon mo na pahabain conversation niyo “Eh sa TSAMU 2018? 2020? Sa kasal natin? Binyag ng mga anak naten? Binyag ng nanay mo?” (Binyag ng nanay mo?)
- Wag mahiya mag-approach ng tao, casual lang kahit ‘di mo kilala magpanggap ka na lang
“Ikaw yun diba!”
“Alen?”
“Hala oo ikaw nga!”
“Huh well well well Caramel”
“French vanilla?”
“OMGGGGGG”Ayon friends na kayo niyan pero seryoso try niyo ‘yan sa mga mang-aapproach sa inyo hahahahha
- Tapat kayo sa blogger tas tignan niyo lang siya. Swipe right kung ayaw niyo, swipe left kung gusto niyo. Oo mag mukha kayong tanga kaka-swipe sa muka nung tao tignan natin kung hindi kayo pansinin non
- Kapag nakita niyo crush niyo or idol niyo, sigaw kayo “Hala wait! Ang puso ko … nahulog … log LOG LOG LOG LOG *HITS THE QUAN BITCH HITS THE QUAN*
- Sigaw ka ng malakas “Online Check!”
- Hilahin mo kaibigan mo tas daanan mo crush mong blogger tapos hinto kayo sa harap niya usap kayo onte ng friend mo tapos lakad ka ulet pero ang hihilahin mong kamay ‘yung kamay ng crush mong blogger, kunwari nagkamali ka oo pero sinadya mo naman talaga ‘yon tas ayon deretso ka na uwi ng bahay mo tyaka ka lang lumingon “Ay hala, hindi ikaw ang kaibigan kooo, dito ka na mag-dinner ha?” LANDE.
- Sali ka sa mga activities! Masaya ‘yon! Lalo na Dr. Quack Quack! Dikit ka ulit sa crush mo! Tas pag may naktia kang mga couple na naka-holding hands, sabihin mo “Uy Dr. Quack Quack ulit? Sali ako! Ako taya!” Tas paghiwalayin mo mga kamay nila tas takbo ka mabilis (Pero seryoso ha, sali kayo sa mga activities!)
- Magtanong ka para makapag-initiate ng conversation
“Ay hello! Blogger ka?
“Oo”
“Ako den!”Gandang usapan niyan.
- Huwag mahiya makisali sa conversations ng group niyo! (Most probably may groupings ulit for games)
“Ay hello! Blogger ka?
“Oo”
“Ako den!”
“Ay guess what guys … AKO DEEEEEN” *HITS THE QUAN*
- Sa mga anonymous bloggers, welcome na welcome kayo okay, punta kayo! May karapatan kayong hindi sabihin ang url niyo if you still want to keep your anonymity pero huwag mag-expect na makikilala kayo malamang dahil ako nag-expect ako dati, nag-hi ako, nalimutan ko ‘di pa pala nila nakikita mukha ko. TANGA.
- Minsan, ‘yung mga nahihiyang mang-approach or mga ayaw mang-approach first, dadaan lang tas maghihintay hanggang sa kayo makakita sa kanya kahit nakita niya naman na kayo kainis hahahaha. So gayahin niyo na lang kung hiyang hiya kayo, daan kayo tas pag hindi kayo pinansin, lumapit kayo nang lumapit tas ikutan niyo siya, ikutan niyo nang ikutan, mag london bridge kayo tas padaanin mo siya sayo tas hulihin mo ayon mapapansin ka na non tas magpanggap ka lang na parang walang nangyari “AY IKAW PALA YAAAAN!”
- Wag mahiya magpa-picture!
“Pa-picture naman”
“Hala nakakahiyaaa sigee. Isa pa!”
“Isa pa?”“Oo hala nakakahiya talaga pero iphone ‘yan? Maganda kasi pag iphone malinaw e, sinong may iphone or ipod? pahiram naman ay may monopod ka? Ay ang panget ng lighting friend, lipat tayo doon ay akin na ako na magpi-picture ayan ayan ay ako muna pwede? Solo ko muna ayan thank yooou, uy ano! Picture tayo! Ay pa-picture tayo kila ano! Mga kababayan picture tayo! Mang-inggit tayo! Jump shot! Jump shot! Airplane mode! Lipad! Ay hala nalaglag sa river phone mo. Sayang naman, pakuha na lang tas paki-upload ha! Thank you! Tag mo ko! Reblog ko na lang! Tas reblog mo ulit! REblog ko ulet, Reblog mo ulit ang saya saya grabe”
“WOW”
- Wag pag-tsismisan ang kapwa blogger pag nakatalikod ok. Pag-tsismisan niyo siya sa harap niya.
- Wag mahiya mag-hug. Pero minsan be sensitive, mamaya hindi mo naman pala close, may mga taong ayaw nang hinahawakan sila. Tas papakawalan din.
- Poke mo sa mukha ‘yung blogger. Tas pisilin mo, kurutin mo tas sigaw ka:
“Hala totoo ka! totoo na ‘to! Hindi na ‘to dashboard! Halaa!”
“Hahahaha syempre naman totoo ko”
“Halikan mo ko”
“Ha?”
“Kung totoo to halikan mo ko”
- Kumausap ka ng kapwa blogger tas sabihin mo lang “Hodor” “Hodor” “Hodor” (GOT FANS!)
- O kaya sigaw ka ng “SI DARYL ANG PINATAY NI NEGAN!” Lalapit sa ‘yo mga TWD fans tas mamumura ka ng buong giting.
Hay purong kagaguhan lamang ‘yan. Ang lame ko ngayon. Pero seryoso just be you lang, wag kang mahiya mag-approach at makipag-usap. Minsan mahirap makipag-friends sa mga may circle of friends na, so kung ganon, make your own circle, makipagkabigan sa mga blogger na wala ring kasama ganon. Ikutan mo sila. Tas enjoy. Tas ayon see you on tsamu, kung may mga katanungan, ask niyo ko and other facilitators.
For more updates:
punta kayo sa facebook event page natin at para malaman niyo na rin kung sino mga pupuntang bloggers! Kung hindi kayo pupunta, visit niyo pa rin ‘yung page para makita niyo facebook profiles ng mga crush niyo na pupunta! Para in the end, pumunta na rin kayo! WOW.
(via poems-and-words)

Saludo ako sa inyo. Napakalakas ng loob niyong magpatuloy pa sa digmaan na ito.
Saludo ako sa inyo, kasi nagagawa niyong hindi umalis at mahalin pa din iyan tao na iyan na pilit mo nang sinusukuan pero ano, pumi-pirme ka pa din at mahal mo pa din siya sa kabila ng lahat.Saludo ako sa inyo, kasi ang tapang niyo na umusad, at mahalin pa din yan, sa kabila ng lahat ng pagsubok, sa kabila ng lahat ng problema na pinagdadaanan mo sa kanya.
Huwag kang magalala, hindi ka man namin mapapatayo ng rebulto para sa iyong katapangan, saludo naman kami sa katulad mo, dahil sa dinami-rami ng tao sa mundo, ng pwedeng mahalin, eh mas pinili mo yan tao na yan, na kahit sinasaktan ka na, na kahit tinataboy ka na, eh andiyan ka pa din.
Kung sa tingin mo ay may maidudulot pa din yan na maganda sa buhay mo, sige lang, ipagpatuloy mo yan. kung sa tingin mo magkakaron ng magandang bunga yan, sige lang huwag ka sumuko. Maaaring masakit. maaaring mahirap, pero alam mo sa sarili mo na may magandang kahihinatnan iyan.
Kaya mo yan. tatagan mo lang ang loob mo.
Kung nalulungkot ka, sige umiyak ka.
Kung naiiyak ka, sige humagulgol ka.
Kung mapapahagulgol ka, sige ipunas mo lang ang mga luha mo.
Kung nahihirapan ka, huwag kang magalala, sa dulo, kahit wasak ka na, mabubuo ka pa din sa kasiyahan na maidudulot ng ginagawa mo.
(via adventurous-tanggero)
(via poems-and-words)
Online siya, online ka. Kaya mapapaisip ka na lang talaga, ayaw na ba niya ko kausap? Naboboringan kaya siya sakin? Hays. Ewan.
Minsan gusto ko ng sukuan to. Nakakabwisit na sa sobrang dami. IEP, PDSP, micro lesson, observations, etc. Minsan gusto ko ng magshift or mag transfer. Pero naisip ko, paano na lang yung mga taong PWD or Children with Special Needs, kailangan nila ko. Chareng. Basta, ipagpapatuloy ko tong sinimulan ko. Future speducator. :)
Jaelo Ericka. 19. Iglesia Ni Cristo. Bulakenyang Kapampangan. Directioner. SPEDUCATOR in the making. Pusong Eranian. Dugong Escolarian. "I can do all things through Christ who strengthens me" Philippians 4:13